Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP yari sa video ng tanim-boga

0 265

Pinaiimbestigahan sa Kamara de Representante ang isang insidente at kumalat na video kung saan makikita ang isang pulis na ilang ulit pinaputok ang baril na iniwan sa tabi ng bangkay ng isang lalaking inakusahang nanlaban sa Valencia City, Bukidnon.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na lumalabas na tila totoo at kasama sa standard operating procedure ng pulisya ang pekeng shootout.

“Revealing itong video na ito. Mukhang kasama na talaga sa standard operating procedures ng mga police operations itong pamemeke ng shootout upang palabasing nanlaban ang mga biktima ng extrajudicial killings. Justice Secretary Menardo Guevarra already pointed out this widespread lapses in the drug war, and this video proves it,” ani Gaite.

Sa video ay makikita ang isang nakasibilyang pulis na pinaputok ang isang baril na iniwan sa bangkay ng lalaki na napatay sa umano’y panlalaban.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Gaite na `di malayong ganito rin ang ginawa ng mga pulis sa ilang serye ng raid sa mga aktibista.

“Batay sa mga impormasyong nakakalap natin sa mga nagaganap na fact-finding missions, lumilitaw na summary executions talaga ang naganap. Katulad nitong sa kaso ni Manny Asuncion. The search was supposed to be implemented in his house, but after finding out that he was not there, authorities went to his location and barged into the office of the Workers Assistance Center located kilometers away, dragged him out, shot him six times, dragged him back inside the office to finally create the fake ‘nanlaban’ scenario,” ani Gaite.

Dapat din anilang magpaliwanag ang hepe ng pulis sa Valencia City, Bukidnon na nahuli-cam na naglagay ng baril sa napatay sa buy-bust operation matapos daw na manlaban. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.