Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNPA ipatutupad blended learning

0 158

Ipatutupad ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang blended learning sa kanilang mga kadeta bilang pagtalima sa Commission on Higher Education.

Hindi rin umano magsasagawa ng face-to-face class hangga’t wala pang bakuna para sa COVID-19, ayon kay PNPA director Maj. Gen. Gilberto Cruz. Aniya, siniguro rin umano na handa ang mga propesor para maisagawa ang pagtuturo sa online at magkaroon ng interaksyon sa mga estudyante.

Sinagawa ito makaraang mapaulat na 232 kadete at 11 personnel ng PNPA na nasa Silang, Cavite ang nagpositibo sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.