Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNPA kadete dedbol sa hazing

0 85

INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police ang pagkamatay ng isang kadete sa Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa ginawang panununtok sa kanya ng limang beses ng kanyang upperclassman.

Ayon sa Silang Police tubong Pagadian Citizens ang biktima ay kinilalang si Cadet Third Class George Carl Magsayo, 21-anyos.

Sa report, nangyari ito alas-5:40 ng hapon nitong Huwebes nang nagpunta si Magsayo at isa pa pang kasama nito sa kwarto ng suspek na kinilalang si Cadet Second Class Steve Ceasar Maingat.

Doon ay pinagsusuntok umano ni Maingat si Magsayo sa tiyan hanggang sa mawalan ng malay.

Nagawa pang itakbo sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Magsayo.

“It is with deep sorrow that we confirm the sudden demise of Cdt 3C George Karl Magsayo,” sinabi nito sa pahayag.

Muli nitong iginiit na wala sa lugar ang hazing at papanagutin ang may sala.

Sinabi nito na mahigpit ang kanilang “No To Hazing Policy” (Kiko Cueto)

SM food to go Banner Ad

Pambubugbog pinakalkal ni Eleazar

IPINAG-UTOS na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng kadete nang dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law.

Sa report ni PNPA Director PMGen Rhoderick Armamento, nangyari ito sa dormitoryo ng September 23, 2021.

“Nasa kustodiya na ng Silang Municipal Police Station ang kadeteng nanakit kay Cadet 3rd Class George Carl Magsayo at tinitiyak ko na haharapin niya ang mga kaukulang kasong nakatakdang isampa laban sa kanya batay sa magiging resulta ng imbestigasyon,” sinabi ni Eleazar.

Ikinakasa na ang kaso laban kay Cadet 2nd Class Maingat. Isasampa ito sa Lunes, Sept. 27.

Bumuo na rin ng Special Task Group—Magsayo na pangungunahan ni Chief of Staff PCol Atty Ernesto Tendero bilang Task Group Commander.

“We are assuring the public that the Philippine National Police Academy maintains its strict ‘No To Hazing Policy’ and that the highest values of respect for human life and rights is inculcated among our cadets,” sinabi ni Armamento. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.