Abante Tonite Interactive

PNR walang biyahe ng Abril 18-20

250

Inanunsiyo kahapon, Miyerkoles, ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na walang biyahe ang kanilang mga tren si­mula ngayong Huwebes Santo hanggang Sabado para bigyang-daan ang naka-schedule na track and rolling stocks maintenance nito na itinaon sa Semana Santa.

Balik-biyahe ang mga tren ng PNR sa Linggo ng Pagkabuhay pero sa hapon pa ito at ang first trip ay ala-1:37 nang hapon para sa biyaheng Tutuban-Alabang at ala-1:02 nang hapon sa Tutuban-Governor Pascual.

Inabisuhan din nito ang mga pasahero na biyaheng Bicol na walang biyahe ang kanilang mga tren simula nga­yong Huwebes Santo hanggang Sabado.

Babalik ang biyaheng Bicol sa Linggo ng Pagkabuhay alas-3:30 nang hapon.