Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Poblacion Girl’ namumuro sa kulungan – Palasyo

0 214

Posibleng dumiretso sa kulungan ang isang balikbayang Pinay kapag napatunayang guilty sa paglabag sa COVID protocol at panunuhol umano sa hotel staff para makalabas ito sa halip na mag-quarantine.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, hindi lamang multa ang nakapaloob na parusa sa mga mapapatunayang lumabag sa batas kundi maaaring makulong din ito.

Subalit sinabi rin ni Nograles na bahala na ang prosekusyon kung ano ang magiging disposisyon nila sa sandaling makarating sa korte ang reklamo laban kay Gwyneth Anne Chua na binansang `Poblacion Girl’.

“Well, sa Notifiable Diseases Law, it’s not just a penalty; may imprisonment din ito. Ayaw kong pangunahan ano ang gagawin ng prosecutor dito. But we do know that we have a Notifiable Diseases Law. But I don’t know, depende sa prosecutor, if there are other violations also na puwedeng i-file against the lady and establishment over and above,” sabi ni Nograles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hahayaan aniya ng Palasyo na ipagpatuloy ng mga awtoridad ang pagkalap ng ebidensiya laban kay Chua at sa mga personnel ng Berjaya Makati Hotel na kumunsinti sa kanya para makalabas ng quarantine.

Sinabi ni Nograles na nakasalalay sa magiging resulta ng pagsisiyasat ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kung gaano kabigat ang nagawang paglabag ni Chua sa quarantine protocol.

“I’m not saying this will be the only …I’m not saying this will be only case filed ‘no because it really depends on the investigation ng police, ng CIDG, and the prosecutor ultimately, what the prosecutor will file in court,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.