Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POC bibilan ng bakuna mga atleta

0 147

Bibili ang Philippine Olympic Committee (POC) ng Covid-19 vaccines sa kapasidad bilang isang pribadong ahensya para sa mga national athlete na kakampanya sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa November 21-December 2.

Ipinahayag Miyerkoles ni POC president Abraham Tolentino ang plano makalipas payagan ng Malacanang ang mga pribadong kompanya na makabili ng iniksiyon para sa kanilang paggamit laban sa Covid-19.

SM food to go Banner Ad

“This is good news for Filipino athletes who will be competing in the Hanoi SEA Games,” anang opisyal na kukunin ang pondo sa donasyong $40K ng Olympic Council of Asia. “Once they get inoculated, they can train with very little fear of getting infected.”

Si POC first vice president Alfredo Panlilio ang itinalagang chairman ng sports body task force sa Covid-19 vaccine procurement. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.