Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POC naging kaalyado ang Asian Esports

0 240

Nakahanap ng malaking kaalyado ang Philippine Olympic Committee (POC) sa pamamagitan ng Asian Electronic Sports Federation (AESF) para ipaglaban ang pananatili sa esports bilang medal event Vietnam 31st Southeast Asian Games 2021.

Sinulatan ni AESF Director General Sebastian Lau noong Miyerkoles si National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) President Ramon Suzara para hikayatin ang Vietnamese na panatiling sport sa biennial sportsfest na susulong sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa susunod na taon sa Hanoi at Ho Chi Minh City.

“I am writing this letter to seek your support in driving our Olympic collaboration agenda for the upcoming 2021 SEA Games in Hanoi,” ani Lau. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.