Abante Tonite Interactive

POC payag iatras ang 2020 Tokyo Olympics

0 391

Nais ni Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, na iurong lang ang 32nd Summer Olympic Games 2020, pero huwag kanselahan upang manatili ang tsansa ng mga Pinoy na makasungkit ng kauna-unahang gold medal.

“It’s better to postpone the Tokyo 2020 Olympics rather than cancelation so as not to lose (Philippines) our chance for our first gold medal—or even more golds,” bulalas ni Tolentino kahapon.

Mas magiging mahaba rin ang ppaghahanda ng mga Pinoy athlete na nag-qualify kung mapo-postpone lang muna ang quadrennial sportsfest.

“A postponement would mean more time to train for those who have already qualified and for those who are still trying to qualify,” hirit ng Cavite Eight District Representative.

Sinabi rin ni Cong. Tolentino, na ang pinakamagandang iskedyul ay ang 2021, sapat na para makapaghanda ang mga atletang nakakuha na ng slot para sa nasabing paligsahan na nakatakda sa parating na Hulyo 24-Agosto 9.

Sa pangwakas, inabisuhan ni Tolentino ang athletes, coaches, officials at stakeholders na manatili na lang muna sa loob ng kanilang mga tahanan at sundin ang mga tagubilin ng gobyerno para makaiwas sa mapanganib na COVID-19. (Elech Dawa)