Abante Tonite Interactive

POC umalma sa pabibo ng PHISGOC

296

Dahil itsa puwera ang Philippine Olympic Committee (POC) na siyang dapat mamamahala sa lahat ng aktibidad at gawain sa pag-oorganisa sa itataguyod ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019, ‘di nito agad nalaman kung saan napupunta ang mga pondong nakuha na mula sa mga suporta ng publiko at sektor.

Ito ang siniwalat ni POC acting president Jose Romasanta sa pa-nayam tapos ang ng POC Extraordinary G­eneral Assembly, Huwebes nang umaga sa Manila Golf Club kung saan pinaliwanag niyang kailangan ng pribadong asosasyon na iulat ang lahat mula sa kompetisyon hanggang sa mga makukuhang mga pondo sa namamahala sa 11-nation, multi-sport meet na Southeast Asian Games Federation (SEAGF).

“We have responsibility to the SEA Games Federation, the highest governing body of the SEA Games. We are duty bound to report to them everything that is happening in the hosting of the SEA Games,” sabi ni Romasanta pukol niya sa Phisgoc Foundation, Inc. (PFI).

Abante Hiring – IT dep

Punto ng kritisismo ang PFI na una nang inihayag ng POC na ‘di dumaan sa kanilang pagkilala ito bago ina-yawan mismo ni Pangu-long Rodrigo Duterte na ayaw niyang PFI ang humawak ang pondo ng gobyerno dahil sa iniulat na puno ng korapsiyon ang binuong foundation.

Maliban sa mga pondo ng General Appro-priations Act na limang bilyon, isang bilyon sa Punong Ehekutibo at P200 m­ilyong direct assistance ng Philippine Amusement and Ga-ming Corporation (PAGCOR), naglalakihan din ang mga makukuhang pondo ng PHISGOC mula sa mga sponsor na ‘di kasali ang POC.

Itinakda ang tatlong klase ng sponsorship base sa ibibigay na pondo ng isang kompanya sa palaro gaya ng $500,000 sa silver sponsor, $2 milyon sa gold sponsor at $3 milyon sa platinum. ‘Di pa kasali dito ang makukuhang pondo mula sa broadcast rights o sa pagpapalabas ng mga laro TV.

Unang nagsabi ang Philippine Airlines na magbibigay suporta sa air transport sa mga kalahok, habang ang Singapore-based Razer Inc. ang mamamahala sa eSsports events.

‘Di kinikilala ng POC Executive Board ang mga transaksiyon dahil ‘di nila aprubado ang pagbuo sa PHISGOC Foundation.

Mga incorporator ng PHISGOC Foundation ang nagbitiw na pangulo POC na na si Victorico Vargas, dating POC chairman Tomas Carrasco, Jr., dating POC secretary general John Patrick Gregorio at communications director Edgar Genaro Picson pati ang mga miyembro na mga bata ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na sian Ramon ‘Tats’ Suzara, Monica Anne Mitra, Donaldo Caringal at Dexter Estacio. (Lito Oredo)