Abante Tonite Interactive

Poe binira ni Duterte: Itong mayaman na walang utak

618

Binira ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sena­dora Grace Poe kaugnay sa muling umiinit na isyu sa emergency po­wers kaugnay ng matinding problema ng traffic.

Sa kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong opisyal ng gob­yerno, hindi napigilan ng Pangulo na ibulalas ang pagkainis dahil sa pagdududa ni Poe na baka makurakot ang pondo kapag naibigay ang hinihinging emergency powers para lutasin ang problema sa traffic sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Sinabi ng Pangulo na hindi siya interesaso sa emergency powers at hahayaan niyang mabulok ang EDSA.

Kapag aniya tinanggap niya ang emergency powers at hindi naayos ang problema sa EDSA ay baka siya pa ang si­sihin ng mga Pilipino kapag wala na ito sa puwesto.

Sinabi ng Presidente na isang araw ay mag­haharap sila ni Poe at sasabihin nito ang mga gustong sabihin dahil sa pagdududa sa kanya.

Ito aniya ang problema sa mga mayayaman na walang utak dahil ang tingin sa ibang tao ay mga tiwali.

(Aileen Taliping)