Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Poe mabilis tumulong sa mga binagyo

0 131

Lagi nating naririnig ang mga kasabihang “Huli man daw at magaling, naihahabol pa rin” at ang “Daig ng maagap ang masipag.” Sa dalawa, pipiliin siguro ng marami na maging maagap lalo na sa panahon ng kalamidad.

Isa sa may ganitong paninindigan ay si Senador Grace Poe. Nang mabalitaan kasi ng senadora ang paglubog ng maraming kabahayan sa Cagayan Valley, agad siyang bumuo ng team ng volunteers upang magbalot at magpadala ng relief goods sa mga biktima ng pagbaha sa nasabing rehiyon.

Laman ng bag ang ilang kilo ng bigas, sardinas, calamansi juice at mga bitamina. Nakarating ito sa Ilagan City at Tumauini sa Isabela at sa Tuguegarao City sa Cagayan. Pumasok ang mga donasyon sa pamamagitan ng “Panday Bayanihan,”isang non-government organization na itinatag noong 2013 matapos ang pananalasa ng bagyong “Maring” sa bansa.

Naniniwala kasi si Poe na kritikal ang bawat oras sa mga survivor ng kalamidad. Kailangan kasing makarating agad ang tulong sa kanila upang mapanatag ang kanilang kalooban.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi inaasahan ng mga residente ng Cagayan at Isabela na sila’y babahain dahil hindi naman sila tinumbok ng bagyong “Ulysses.” May isang lokal na opisyal na dumalo pa ng birthday party sa Southern Tagalog. Ibig sabihin lang nito, kampante si mayor.

Pero nang magpakawala na ng tubig ang Magat Dam, doon na naging waterworld ang maraming bayan sa Cagayan, kabilang na ang siyudad ng Tuguegarao. Damay din ang ilang bayan sa Isabela. Marami tuloy ang nananawagan na baguhin ang protocol sa pagpapakawala ng tubig sa dam.

Actually, 2009 pa nanawagan ang ilang mambabatas na baguhin ang protocol sa pag-release ng tubig sa dam. Ito yung panahon na binaha ang malaking bahagi ng Pangasinan dahil sa pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam. Higit isang dekada na pala ang problemang ito pero hindi pa rin nasosolusyunan.

Nandiyan ang problema ng climate change. Taon-taon din tayong binibisita ng malalakas na bagyo. Kaya hirit ni Senador Poe, kailangan nating maging resilient. Hindi na kasi nakakasapat ang rebuilding at recovery churva sa panahon ngayon.

Matagal na itong itinutulak ng senadora sa isinampa niyang Senate Bill 124 o ang “Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act”. Sana maaprobahan na ito para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.