Abante Tonite Interactive

Poe pumalag sa ban ng single-passenger car sa EDSA

By
0 733

Sinabihan ni Senador Grace Poe ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maghinay-hinay sa pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle (HOV) lane sa EDSA.

Ito ay ang pagbabawal sa mga sasakyan na isa lamang ang lulan na dumaan sa EDSA tuwing rush hour upang mabawasan ang volume ng mga behikulo na naglalayong lumuwag ang daloy ng trapiko.

Sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na kailangan munang tiyakin ng MMDA na malinis na ang mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga sasakyang iisa lamang ang sakay bago ito tuluyang ipatupad.

Bukod dito, dapat din aniyang magkaroon muna ng public consultation at trial period sa naturang polisiya upang malaman ang magiging epekto nito lalo na’t apektado dito ang 60% ng mga driver.

“Wag padalos-dalos baka pwedeng magkaroon ng isang day na subukan nila yan. Kung ano talaga ang mangyayari at magkaroon ng bukas na pagdinig kasi hindi naman pwedeng unilateral sasabihin ngayon ganito na. Magkaroon muna ng trial period tapos tignan natin kung ano ang magiging epekto,” saad ni Poe.