Abante Tonite Interactive

Poe sa LTFRB: Aberya sa palit-jeep ayusin muna

281

Iginiit ni Senador Grace Poe na mu­ling mag-usap ang Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB), mga driver at operator para maresolba ang iba?t ibang isyu tungkol sa jeepney modernization program.

Sinabi ito ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services, kasunod ng isi­nagawang transport ho­liday nitong Lunes na pinanguna­han ng Al­liance of Concert Transport Organization (ACTO) bilang protesta sa specific standard na itinakda ng LTFRB para sa Public Vehicle Utility (PUV) Modernization Program.

“The issues surrounding the jeepney moder­nization program are far from resolved. The go­vernment should address the legitimate concerns to ensure that this undertaking would help improve our transportation system,” sabi ni Poe sa isang pahayag nito.

Bagama’t maganda ang layunin ng programa, sinabi ni Poe na hindi dapat isantabi ang transparency at due process para sa mga driver at operator na humihingi ng konsiderasyon.

Nauna rito ay nakiusap ang ACTO sa LTFRB na dahan-dahanin ang pagpapatupad ng nasabing programa na sisimulan sa susunod na taon upang makasabay sila sa sobrang higpit at nakakalitong polisiya na nais i­patupad ng ahensiya.

Kabilang sa inire­reklamo nina ACTO national president Efren de Luna ay huwag silang piliting magtayo ng mga kooperatiba, huwag pilitin na pabilhin ng napa­kamahal na unit na nagkakahalaga ng P1.9 mil­yon hanggang P2.2 mil­yon na hindi kayang bayaran ng isang ordinaryong driver, at huwag puwersahing pabilihin ng garahe o umupa ng lupa sa mga luwag na wala namang franchise route na ibinigay ang LTFRB. (Dindo Matining)