Abante Tonite Interactive

Poe sa telcos: Umayos kayo!

By
6

Mabagal na internet, mahinang signal, dropped calls, labis-labis na singil, nawawalang load.

Ilan lamang iyan sa mga reklamo ukol sa napakasamang serbisyo ng mga telecommunications companies (telcos) na ipinahatid ng netizens kay Sen. Grace Poe sa social media.

Gamit ang hashtag na #TellPOEonTelco, hinikayat ni Poe ang netizens na ipahayag sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang kanilang saloobin tungkol sa serbisyong natatanggap mula sa telecommunications providers sa bansa.

“We deserve good telco service, kaya’t i-share na ang inyong karanasan sa serbisyo ng text, call at internet ninyo,” anyaya ni Poe sa publiko.

Agad na shinare at kumalat ang post sa social media kung saan hindi nag-atubiling magpahayag ang netizens sa masahol na serbisyong natatanggap nila mula sa mga telco sa bansa.

“Narinig natin ang hinaing ng ating netizens. Lahat ng mga reklamong ito ay kabilang sa mga tata­lakayin natin sa gagawing mga pagdinig. Kasama ang boses nila sa mga magtatalaga ng reporma sa industriya ng telco,” dagdag ng Senador.