Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POEA sinuspinde pag-abroad ng mga nurse

0 208

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapaalis o deployment ng healthcare worker, partikular ang mga nurse na nais magtrabaho sa abroad.

Ayon sa POEA, umabot na kasi sa 6,500 ang annual deployment cap kung kaya’t sinuspinde muna ang pag-abroad ng mga healthcare worker.

Sa POEA Advisory No. 44 na may petsang Oktubre 26 subalit kahapon lamang inilabas ng ahensiya, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalila na ibinase nila ang pansamantalang deployment ban sa Governing Board Resolution No. 17 na ipinasa noong 2020 at POEA Advisory No. 79, Series of 2021 hinggil sa polisiya sa pagpapaalis o deployment moratorium ng mga nurse, nursing aide at nursing assistant kapag umabot sa 6,500 cap kada taon.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw naman ng ahensiya na ang mga healthcare worker na mayroon nang Overseas Employment Certificate (OEC) ay hindi sakop ng pansamantalang suspensiyon sa kanilang pag-alis sa bansa.

Epektibo umano ang suspensiyon hanggang sa maglabas uli ng panibagong resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Samantala, ipinahayag pa ni Olalia na hinihintay rin nila ang magiging desisyon ng pamahalaan para sa deployment cap na ipatutupad sa 2022. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.