Abante Tonite Interactive

Pogilicious young actor, INIIPUTAN ng starlet

By
13

ANG male singer na ito ay pinagdududahan kung tunay na lalaki ba siya o la­laki ang hanap ng lalamunan niya.

Noon pa siya sikat. Sangkatutak ang kanyang hit songs.

Kailan lang eh naka-hit na naman siya ng isang kanta na knows ng people of the Philippines.

Abante Hiring – IT dep

Marami pa rin siyang gig sa mga bar.

Katwiran ni kuya (na pinagdududahang ate), basta’t kaya, sugod lang nang sugod para magkapera.

Pero ito na…. before, during at sa ending ng show, dapat may alak siya.

Kahit ano pa ‘yan, inom, laklak, tungga, GO!

Hanggang umaga, jinom-jinom si kuya pero hindi siya tinatamaan ng espiritu ng alak.

Ugali na niya na ‘yun. Ang mga katrabaho niya, alam na manginginom siya.

Pero kwidaw ka! Kapag kumanta na siya, malinis, maganda at mataas.

Walang bahid na lasheng siya… hik!

Ang kape niya sa breakfast, alak. Ang juice niya sa meryenda, panang­halian, hapunan at midnight snack, alak pa rin.

***

09-13-2016-lashingYoung actor, pumapag-ibig sa pa-La Ocean Deep!

Si young actor, may potential na maging sikat. Pogilicious kasi. May konting acting.

Makinis sa katawan.

Si girl naman, biglang sumulpot sa TV na ikinagulat ng viewers.

‘Yung ganda points niya, konti lang. ‘Yung katawan niya, OK na rin.

‘Yung akting niya, walang kagana-gana.

Pinag-usapan siya. Kahit sa social media, niyurakan siya dahil sa kaartehan niya.

Nagtagpo ang kanilang landas. Nagkachikahan. Nagpalitan ng celfon #.

Niligawan ni young actor si starlet. Sumagot naman si gaga.

Eh kasi naman, yummy si kuya.

Doon na nag-umpisa ang mga batikos, lalo na kay bilat.

Si lalaki naman, laging nagko-comment kung ano ang nagustuhan niya sa chakang babae na mukhang marumi.

Kahit ganu’n ang karakas ni girl, matuk n’yo ba na my papa pa raw ito na tambay lang sa kanto at may manliligaw na kapwa starlet (na parang sakit ng tiyan kung magkaraket).

Alam ba ni gwapong young actor ang mga ganap na ito?

Hindi pa.

Pero sooner or later, malalaman niya kapag tinawagan ako ng manager niya na masigasig mag-usisa kung tama ba ang mga hula niya sa mga bina-blind item ko.

***

Character actor na senior citizen, nakasungkit ng girl na 25 years old.

Kung paramihan ng pelikula ang labanan, hindi siya basta-basta magpapakabog.

Sa TV, ganu’n din. Magsasawa ka sa fez niya sa mga teleserye sa hapon man o gabi.

May mga junakis siya at malalaki na ang mga ito.

Ang latest, grabe na ang demands ni vete­ran actor.

Dapat, may sariling parking space siya na kahilera ang mga bida. Kapag malayo ang shooting or taping, dapat may gasoline allowance siya.

Dapat, solo siya sa room o tent.

Ang nakakarindi sa lahat, dapat my cut off time siya dahil bawal na raw siyang mapagod.
Tarusch, di ba?

Eto na… bitbit niya sa set ang isang bilat na kilala sa indie movies.

Ang pakilala niya, friend niya ito at tinutulu­ngan para makuha sa TV & movies.

Kahit hindi itanong, ipinakikilala niya agad ang girl na talent niya.

Eh bakit nang magpaalam si girl sa kanya, ­nag-L-to-L sila?

Ipaliwanag mo ‘yan, lolo!