Abante Tonite Interactive

POGO employee na Chinese kinidnap ng kabaro

180

Arestado ng mga ahente ng National Bureau­ of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang apat na Chinese na sangkot sa Kidnapping at Serious Illegal Detention sa tatlo nilang kababayan sa Maynila.

Iprinisinta ni NBI Director Dante A. Gierran­ sa media ang mga suspek­ na sina Chen Zhi­min, Luo Canfeng, Li Jai Huang at Wang Yiping sa isinagawang operasyon sa isang hotel sa General Malvar St., Maynila.

Nag-ugat ang operas­yon sa reklamo ng isang impormanteng Intsik na nagtatrabaho sa offshore gaming o online games kaugnay sa pag-kidnap at pagdetine sa biktimang si Han Yang Liu, offshore gaming emplo­yee, na idinetine ng mga suspek at nagdi-demand ng P200,000 na dapat ay personal na i-deliver sa mga kidnapper.

Sa isinagawang entrapment/rescue opera­tion, dalawa pang Chinese national ang nasagip na sinaktan at pinagbantaang papatayin kung hindi magbibigay ng P600,000.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnappjng at Serious­ Illegal Detention sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-­Cudia)