Abante Tonite Interactive

POGO Island sa Kawit exclusive sa Chinese

13,395

Tuluyan nang sinakop ng China ang isang isla sa Cavite, ang birthplace ng kasarinlan ng Pilipinas. Ito ay matapos na payagang ipagamit ang dating Island Cove Resort sa Kawit na dating pag-aari ng pamilya Remulla bilang isang exclusive haven ng may 20,000 Chinese worker ng Philippine offshore gaming operator (POGO).

Isang hindi tinukoy na POGO ope­rator ang siyang mangangasiwa umano sa gagawing transformation ng 12 ektaryang lupain ng dating resort sa Kawit kung saan hindi na kaila­ngang lumabas pa ng mga Chinese worker dahil dun na rin ang kanilang tira­han at lugar para sa rest and recreation.
“The so-called POGO island could accommodate over 20,000 workers with full operations in five years.

“The project is expected to have 50,000 capacity when fully operatio­nal.” sabi pa ng source.

Sa ngayon, humigit-kumulang 130,000 Chinese ang nagtatrabaho sa mga POGO sa 50 lisensyadong kompan­ya sa buong bansa.

Samantala, nauna nang sinabi na sisingilin na ng buwis ang mga Chinese worker na nagtatrabaho sa POGO kung saan inaasahang P2 bilyon kada buwan ang makokolekta dito.

Kailangan din umanong sumunod ang mga kompanyang ito sa pagbabayad ng SSS o Social Security System contributions at PAG-IBIG Fund upang ligal na makapagtrabaho sa bansa ang mga Chinese.

Ngunit, may humigit-kumulang 30 POGO ang iligal na nakakapag-ope­rate sa bansa. Kung gagawin itong ligal, mas marami ang makukubra ng gobyerno na buwis.

Hinahanapan na rin ng solus­yon ang mga problemang kultural na umusbong dahil sa pagdami ng mga Chinese worker sa bansa.