Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POGO kidnapping dumoble kaso sa pandemya

0 45

Tumaas ang kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) worker nitong 2020 sa kabila ng pandemya, ayon sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

May kabuuang 17 kaso ng kidnaping na may kinalaman sa POGO ang naiulat nitong 2020, kung saan 10 kaso ang isinampa, 23 biktima ang nasagip at 33 suspek ang naaresto habang 2 ang napatay sa operasyon. Kabilang dito ang 18 Chinese national, 3 Taiwanese, 1 Malaysian at 1 Vietnamese.

Mayroon namang 26 Chinese national na mga suspek, 3 Pinoy, 2 Indonesian, 2 Malaysian, 1 Taiwanese at 1 Filipino-Chinese.

Ang nasabing datos ay 88% pagtaas mula sa 9 na insidente noong 2019 kung saan 13 biktima ang nasagip habang 34 suspek ang naaresto. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.