Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POGO may ambag na P17B sa Bayanihan fund

0 71

May malaking papel na gagampanan ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa pagbangon ng bansa sa pandemya.

Nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, ang pagpapataw ng buwis sa mga POGO para maging karagdagang pondo ng gobyerno sa pagtugon nito sa pandemya.

Ipinahayag ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa radio interview sa kanya nitong Sabado kung saan inaasahan umano na makalilikom ang pamahalaan ng mahigit P17 bilyon mula sa buwis ng mga POGO at magagamit naman ito para matugunan ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

“Tama po iyan magagamit doon [COVID-19] at iyan ay additional revenue. Mas kikita ang pamahalaan ng mahigit P17 billion,” sabi ni Drilon.

Ipinaliwanag pa ng senador kung paanong tataas ang koleksyon ng gobyerno sa buwis.

“Bago ang Bayanihan 2, ang franchise tax ang basehan ay net winning. Kung ano ang itinataya minus `yong winning, iyan ang basehan ng franchise tax. Kung $100 ang bet, ibabawas kung magkano `yong winning ng customer. Halimbawa, $50 ang winning. Ang babayarang franchise tax ay doon ibabase lang sa $50,” ayon kay Drilon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.