Abante Tonite Interactive

POGO sagana sa foreign prosti

559

Pinapaimbestigahan sa Senado ni Senador Risa Hontiveros ang paglobo ng bilang ng mga banyagang nagiging biktima ng sexual traffickin­g sa Pilipinas bunsod sa pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito’y kasunod nang pag-aresto sa anim na Vietnamese noong Setyembre 6 sa isang condominium sa Makati na pawang mga biktima diumano ng sexual trafficking.

Nabatid na ang prostitution den ay pinapatakbo ng dalawang Chinese women na kinila­lang sina Kuang Meiting at Li Xiumei.

Sina Kuang at Li ay nakakulong sa headquarters ng NCRPO at nahaharap sa paglabag sa RA 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act.

Sabi ni Hontiveros, ang mga naligtas na mga Vietnamese ay may hawak lamang na travel visas at may mga departure tickets bago mag-expire ang kanilang mga visa.

Sa resolusyong inihain ni Hontiveros, sinabi nitong ang mga kliyente ng prostitution ring ay mga kalalakihang Chinese na nagtatrabaho sa POGO.

Sabi ng senador, ginagamit ng prostitution ring ang isang Chinese social media app kung saan karamihan sa mga trafficked women ay Vietnamese, Chinese at Malaysian.

Sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na ang mga biktima ay nagtatrabaho bilang mga “high class prostitutes”.

(Dindo Matining)