Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POGO tax butata sa SC

0 296

Inutos ng Supreme Court (SC) ang suspensiyon sa koleksyon ng dagdag buwis sa prangkisa ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act na aabot sa bilyong piso ng karagdagang kita sana sa gobyerno para matugunan ang COVID-19 pandemya.

Nabatid sa SC insider na napaboran ang POGO matapos ang 13-1 boto ng mga mahistrado na naging dahilan para mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Department of Finance (DOF) sa paglolekta ng 5% franchise tax sa mga POGO na pinatatakbo ng mga Chinese national.

Nabatid na si SC Associate Justice Marvic Leonen ang hindi sumang-ayon na suspindehihin ang pagkolekta ng dagdag na franchise tax sa mga POGO.

Wala pang umanong opisyal na pahayag ang SC Public Information Office at wala pa ring opisyal na anunsiyo ang SC hinggil dito.

Matatandaan na sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon noong Setyembre na isang probisyon sa Bayanihan 2 ay nagpataw ng 5% franchise tax sa mga POGO.

Nangangahulugan sana ito ng karagdagang P7 bilyong kabuuang kita noong 2019 at P17.5 kita nitong 2020.

Nabatid na ang malilikom na buwis ay gagamitin sanang pondo sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya, kabilang na ang pagbili ng bakuna. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.