Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POGO worker hulog sa kisame, dedo

0 359

Dedo ang 30-anyos na trabahador ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company habang nagkakabit ng kable sa kisame sa isang warehouse sa Kawit, Cavite.

Isinugod pa sa Binakayan Hospital ang biktimang si Fernan Aguinaldo, 30, may live-in partner at stay in worker sa loob ng First Orient subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ulat ni PSMSgt Roldan Requiomo ng Kawit Police, dakong alas-3:50 kalakalawa ng hapon nang naganap ang aksidente. Nagkakabit umano ng kable ang biktima sa warehouse 30 sa loob ng First Orient sa Covelandia Road, Brgy. Pulbosita, ng naturang bayan nang umano’y nahulog ito.

Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.