Abante Tonite
Mabilis sa Balita

POGO worker nginuso drug supplier

0 362

Nalambat ng pulisya ang isang Chinese national sa Pasay City na supplier umano ng droga at kabilang sa listahan ng high value target ng mga awtoridad matapos itong inguso ng kababayan niyang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kinilala ang suspek na si Xueming Chen, 22-anyos, at nakatira sa Brgy. 76, Zone 10. Kinasa ng pulisya ang operasyon laban dito matapos siyang ikanta ng nakakulong na si Wen Bo, 33, POGO worker, bilang supplier ng shabu ng mga kapwa nila Chinese.

Sa isinagawang Oplan Greyhound ng pulisya noong Sabado ng ala-una ng madaling-araw, nahulihan si Bo ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 na nakasingit sa food pack.

Samantala, dinakip si Chen matapos makabili ng shabu ang mga operatiba sa kanya bandang alas-kwatro ng hapon noong Sabado na nagresulta sa pagkakasamsam sa kanya ng mga drug paraphernalia, siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 11.7 gramo at nagkakahalaga ng P79,628.00. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.