Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy binully

0 189

Nagmarka si Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas player Roger Ray ‘RR’ Pogoy, pero dumanas din muna siya ng pambu-bully.

Tubong Minglanilla, Cebu ang 28-taong-gulang, may taas na 6-2 guard-forward na hindi itinatanggi ng marami na magaling na basketbolista sa kanilang lugar.

Nakakuha ng malalaking parangal si RR noong high school pero pagtungtong ng Maynila ay nakaranas ng diskriminasyon.

“Sa Cebu, nung high school ako, MVP ako,” pagmamalaki niya kahapon sa 2OT podcast. “Pero sabi nila, wala yan, Sa Cebu lang ‘yan magaling.”

Kwento pa ni Pogoy, bago makilala ang pangalan niya sa UAAP (University Athletic Association of the Philipines) sa FEU Tamaraws, madalas din siyang magbutas ng bench dahil ‘di pa tiwala sa kanya ang koponan.

“Daming nagsasabi din sa ‘kin na sa Cebu lang daw ako magaling. Kasi nu’ng unang punta ko sa FEU ‘di kaagad ako gamit,” patuloy niya.

May mapait mang nakaraan, sa ngayon ay malayo na ang narating nang naging FEU star matapos magkamit ng titulo sa UAAP 2015, tatlong korona sa PBA at dalawang ginto sa Gilas sa SEABA Cup. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.