Abante Tonite Interactive

Pogoy, Blatche, Gilas nilampaso ang 36ers

541

Naipasa ng Gilas Pilipinas ang una sa dalawang friendly matches laban sa Adelaide 36ers, Biyernes nang gabi sa Meralco Gym, Pasig.

Magandang senyales ito sa paghahanda ng Nationals sa 18th FIBA World Cup sa China bago matapos ang buwan.

Maagang naiwan ang Pilipinos, pero nakabawi bago pinangunahan ni RR Pogoy ang late run para ipreserba ang 92-83 win.

Limang players ni coach Yeng Guiao ang nagsumite ng 10 points pataas sa pangunguna ng 19 points ni Andray Blatche. Kinapos lang ng isang assist ang n­aturalized center para kumpletihun ang triple-double sa ibinaba pang 18 rebounds sa loob ng halos 31 minutes sa loob.

Pumukol ng matikas na 33 of 60 mula sa field ang Nationals, 10 for 24 sa 3-point range. Sina Gabe Norwood at Troy Rosario lang ang ‘di umiskor sa 11 ginamit ni Guiao.

Si Blatche ay 3 for 6 sa labas ng arc, may tigalawa sina Pogoy at Paul Lee na parehong tumapos ng tig-10 points.

Si Pogoy ang nag-take charge sa pamatay na 10-0 run ng Filipinos sa final 4 minutes ng laro, ibinaon ang dalawa niyang long range bombs para burahin ang huling lead ng Adelaide 81-80.

Dalawa lang sa siyam na bitaw ang naisablay ni Japeth Aguilar tungo sa 17 points, may 12 markers si CJ Perez.

Nanguna sa 36ers ang 16 points ni Ramone Moore, 14 dito sa middle quarters para panatiliin sa laro ang Adelaide.

(Vladi Eduarte)