Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McCullough sa Gilas aprubado kay Pogoy

0 286

May backer si Chris McCullough sa tangka niyang maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.

“Sa tingin ko, oo, malaki maitutulong niya,” pahayag ni TNT guard Roger Pogoy sa 2OT podcast.

Produkto ng Syracuse si McCullough, dumayo ng bansa noong nakaraang taon para giyahan ang San Miguel Beer sa korona ng PBA Commissioner’s Cup laban sa KaTropa.

“Kasi fit siya sa laro ng mga Pinoy,” katwiran ng dati ring Gilas cager. “Malaki, 6-10 na may laro sa labas, sa loob. Tapos p’wede siya sa depensa, pang-shot-blocker. Kasi ‘yan ang kailangan sa Gilas natin – shot-blocker, rebounder, all-around player.”

Naglalaro pa sa PBA pinarating na ni McCullough na gusto niyang maglaro sa Gilas, p’wedeng pumalit sa nagkakaedad na ring si Andray Blatche. First round draftee ng Brooklyn Nets noong 2015 si McCullough, 25, at naglaro din sa Washington Wizards.

“Feel ko, p’wedeng-p’wede siya pang-Gilas,” wika pa ng TNT player noong Linggo ng gabi.

May kapayatan si McCullough sa timbang na 200-lb, pero hindi problema ‘yun kay Pogoy:

“Mahaba siya, may timing. Tsaka may June Mar (Fajardo) naman tayo, eh,” wakas niya.

Sa finals series ng midseason conference, ninakaw ni Pogoy ang bola kay McCullough at dinilaan ang import ba

Leave A Reply

Your email address will not be published.