Abante Tonite Interactive

Pogoy, Castro, KaTropa nilantakan ang Magnolia

By
150

Pareho ng kapalaran ang Magnolia Pambansang Manok at Alaska sa unang salang sa PBA Philippine Cup: Talo.

Tumukod ang Governors Cup champion Hotshots sa TNT KaTropa, 80-75, sa overtime sa MOA Arena, Linggo ng gabi.

Higit kalahati ng produksiyon ng Ka­Tropa ay galing kina RR Pogoy (26) at Jayson Castro (24).
Sa first game, yuko din ang runner-up ng Hotshots na Aces, 85-72, sa Rain or Shine.

Ininda ng Aces ang pagkawala sa injuries nina Vic Manuel, JVee Casio, Kevin Racal at Yutien Andrada, naiwan na 48-30 sa halftime at hanggang 55-33 sa third.

“The nice thing about it is, this is the first time we played great defense,” wika ni Elasto Painters coach Caloy Garcia. “We limited them to just 30 points (sa first half) but ‘yun nga, we allowed them to make a run. But everybody, everybody stepped up in the team.”

Nagawang sulitin ni Garcia ang kanyang roster na nagresulta sa balanseng scoring.
Lahat ng hugot ay pasok sa scoreboard sa pangunguna ng 12 ni Rey Nambatac, may 11 si Beau Belga at 10 kay Raymond Almazan.

Binugbog ng Painters ang Aces sa rebounding department 57-47, 14 at 11 dito ang ibinaba nina Maverick Ahanmisi at rookie Javee Mocon.

Kinubra ng Painters ang pangalawang sunod na panalo tungo sa 4-1 overall, nasa likod ng solo-leader Phoenix (4-0).
Binitbit ng 15 points ni Jeron Teng ang Aces, may 12 si Jake Pascual.