Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy certified plantito

0 233

Hindi na lang basketball ang inaatupag ngayon ni PBA star Roger Ray ‘RR’ Pogoy ng TNT, kundi pati halaman nakahiligin na rin ng sharp shooter.

Panay ang post 28 year old, 6-foot-2 Cebuano guard-forward ng mga larawan at video kung saan makikita ang mga alaga niyang halaman.

Aminado ang veteran baller na isa rin siyang plantito na nauuso ngayon dahil sa lockdown na hatid ng COVID.
Sa latest instagram story niya Martes, nilagyan pa niya ng caption na plantito ang video.

SM food to go Banner Ad

Matagal pa bago mag-umpisa ang PBA lalo’t nasa ilalim na naman sa ECQ ang Metro Manila at apat na nakapaligid ditong lalawigan.

Kaya mas marami pang oras si Pogoy para alagaan at paramihin ang kanyang mga tanim. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.