Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, Erram raragasa sa TNT vs Blackwater

0 122

Clark Smart Giga City – Tamang-tama lang ang gising ng TNT para ipagpag ang Phoenix Super LPG 110-91 noong Lunes sa Smart 5G-powered AUF Arena sa Angeles.

Mabagal na nag-umpisa ang Tropang Giga, iniwan pa ng Fuel Masters 42-28. Nang magsimulang uminit ang TNT ay nagtuloy na para kontakin ang pang-apat na sunod na panalo sa PBA Philippine Cup restart sa Pampanga bubble.

“In the first half, we were having a hard time because they started so well, started so strong,” ani coach Bong Ravena. “In the second half, our defense pulled us through.”

SM food to go Banner Ad

Depensa at mainit na pulso nina RR Pogoy, Poy Erram, Simon Enciso, Ray-Ray Parks, Troy Rosario at Jayson Castro pa rin ang sasandalan ni Racela para makuha ang fifth straight win laban sa 2-1 Blackwater mamaya.

Ikinalat ni Pogoy ang 27 sa kanyang team-high 30 points sa last three quarters. Off the bench ay nag-ambag si Erram ng 18 points at 15 rebounds.

Si Erram din ang angkla ng depensa ng TNT, tatlong tira ng Fuel Masters ang binutata.

Depensang TNT rin ang nag-posas kay Matthew Wright, bagama’t kumana ng game-high 31 ay naka-11 na lang sa second half. Nagbaon ang Fil-Canadian ng 3 para ilayo ang Phoenix 57-45, pero binulabog siya nang todo ng Tropang Giga at napuwersang sumablay sa pitong sunod na tira. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.