Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy imbiyerna kay Abueva

0 160

‘Di ikinaila ni TNT star RR Pogoy na pagdating sa basketball ay naiimbiyerna siya kay Phoenix Super LPG star Calvin Abueva.

“Nakakainis kalaban,” pag-amin ng Tropang Giga cager Pogoy sa Sports Page Miyerkoles para kay `The Beast.’

Isa sa maituturing na tinik ngayon sa TNT ang Fuelmasters forward kaya dapat nilanng guwardiyahan.

“Dapat ma-control namin ang energy ni Calvin, kasi ang laking bagay ng pagdadala niya sa team,” dugtong ng guard.

Pero kalaban man ang dahil magkaiba sila ng team, tropa pa rin at saludo si RR kay Calvin.

“Nakasama ko na si Calvin sa national team, ang sarap kasama. Pati ikaw, kahit nasa bench ka lang, madadala ka,” panapos na pahayag ni Pogoy.

Sa ngayon gitgitan ang koponan ng dalawa sa best-of-5 semis ng 2020 PBA Philippine Cup. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.