Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy most improved player ng FIBA

0 317

Tumatak ang pangalan ng Philippine Basketball Association (PBA) sharpshooter na si Roger Ray Pogoy bilang isa sa mga nag-improve ang laro sa international stage.

Kasama ang pangalan ng TNT KaTropa star sa listahan ng International Basketball Federation (FIBA) sa kanilang most improved player sa mga nagdaang kompetisyon sa Asia-Oceania region.

Nag-average ng 7.0 points at 3.5 rebounds si Pogoy sa 2017 FIBA Asia Cup, kung saan dito nagsimulang maging main gunner ng Gilas ang three-time PBA All-Star.

Sa first window naman ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers, nagpakitang-gilas si Pogoy, kumamada ng 16 pts. at humablot ng 6.0 rebs. sa 23 minutong paglalaro kontra Indonesia, kung saan wagi ang ‘Pinas, 100-70.

Nilarawan si Pogoy ng FIBA bilang “solid defensive wing who can score in multiple ways.”

Kasama din ni Pogoy sa listahan sina Muin Bek Hafeez ng India, Hassan Abdullah ng Iraq, Maxim Marchuk ng Kazakhstan, Jordan Ngatai ng New Zealand, Abdelrahman Yehia Abdelhaleem ng Qatar, at Abdulwahab Alhamwi ng Syria. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.