Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, Rosario pinatikas Gilas

0 111

Pinalakas pa lalo ang Gilas Pilipinas sa pagbalik nina TNT teammates RR Pogoy at Troy Rosario, isinama pa sa training pool si NLEX big man Raul Soyud.

Inaasahang sa Biyernes papasok ang tatlo sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Nauna sa Calambubble sina Kiefer Ravena ng Road Warriors, CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix.

Anim na pros ang isinahog sa pool na naghahanda para sa final window ng 30th FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Clark, Pampanga sa Feb. 18-22.

Isang buwan sa bubble ang nationals.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumailalim muna sina Pogoy, Rosario at Soyud sa PCR testing bago makapasok ng bubble.

Sorpresa ang pagkakasama ni 6-foot-6 Soyud sa pool, ngayon lang tinawag ang serbisyo ng 30-year-old para sa national team.

Breakout season ni Soyud ang nakaraang PBA Season 45, sa ipinakitang laro ay naging kandidato pa sa Most Improved Player award na pinanalunan ni Prince Caperal ng Philippine Cup champion Barangay Ginebra San Miguel.

Huling nag-national men’s basketball team sina Pogoy at Rosario sa first window ng torneong ginanap noong February 23 sa Jakarta nang tambakan ng Gilas ang Indonesia, 100-70.

Hindi nakasalang ang dalawa sa second window sa Manama nang timbugin ang Thailand noong November 27 at 30, 93-61 at 93-69. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.