Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy rumapido: Gilas Pilipinas tiniris Singapore

0 93

Laro ngayon: (Thanh Tri Gymnasium)
8:00pm – Pilipinas vs Vietnam

HANOI, Vietnam — Maangas na giniyahan ni Roger Ray Pogoy ang panimulang 15-1 bomba at ‘di nilingon ng Gilas Pilipinas ang pinulbos na Singapore, 88-37, sa 31st Southeast Asian Games 2022 men’s basketball sa Thanh Tri Gymnasium dito Miyerkoles ng hapon.

Sa likod ng 8-of-17 shooting, nagsalpak ang veteran internationalist ng 19 points, rekado pa ang 3 steals, 2 rebounds at 1 assist sa 21 minutes job para sa pangatlong ragasa ng Nationals sa paramihan ng panalo para sa sasabitan ng medalyang ginto.

Pabida rin si Francis ‘LeBron’ Lopez na may 18 markers sa walang mintis na pitong tirada sahog pa ang 2 steals at tig-1 board at feed sa pagsama ng Pinoy quintet sa Singaporeans sa mga unang biniktimang Thailand (76-73) at Cambodia (100-32).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang iskor:
Philippines (88) – Pogoy 19, Lopez 18, Wright 11, Tungcab 11, Fajardo 8, Ravena K. 5, Tautua’a 5, Ravena T. 5, Rosario 2, Navarro 2, Go 2, Montalbo 0.

Singapore (37) – Raj 8, Toh 7, Kwek 6, Low 5, Mah 3, Folkoff 2, Lim 2, Crump 2, Sim 2, Goh 0, Liew 0, Lim 0.

Quarters: 17-7, 43-17, 61-27, 88-37. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.