Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, TNT alpas sa SMB

0 115

Sumandal sa depensa sa end-game ang TNT para salagin ang San Miguel Beer 89-88 sa Game 1 ng kanilang 46th PBA 2021 Philippine Cup semifinals duel sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor Linggo ng gabi.

Bumomba si RR Pogoy ng conference-high 23 points, umayuda ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists si Jayson Castro. Nag-ambag ng 15 markers si Poy Erram, 14 kay Troy Rosario.

Isinara ng Tropa ang third quarter sa 14-3 run para sa 71-61 edge papasok ng fourth.

May tsansa ang Beermen sa final 9 seconds pero binulabog nina Pogoy at Erram ang drive ni Marcio Lassiter.

Sumabay ng 23 points si CJ Perez, may 13 points at 11 rebounds si June Mar Fajardo sa Beermen.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa first game, tinakbuhan ng Magnolia Pambansang Manok ang Meralco 88-79 sa opener ng hiwalay na best-of-seven series.

Ikinalat ni Ian Sangalang sa second half ang 12 sa kanyang 18 points, nagdagdag si Paul Lee ng 17 sa Hotshots.

Naalagaan ni Calvin Abueva ang 5 fouls pagkatapos ng tatlong quarters, nilista ang 8 sa kanyang 13 points sa fourth para angklahan ang 10-0 run tungo sa 73-69 Magnolia lead na hindi na binitawan.

Nawalan ng saysay ang 14 points, 10 assists ni Bong Quinto sa Bolts. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.