Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, TNT uulit vs Phoenix

0 86

Semis Game 1 ngayon (AUF gym)

3:45 pm – TNT vs. Phoenix

6:30 pm – Ginebra vs. Meralco

Smart Clark Giga City – Nilampaso ng TNT ang Phoenix 110-91 noong Oct. 19, ang lone meeting nila sa elimination round ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Pitong Tropang Giga ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 30 ni RR Pogoy na 11 of 22 sa field at 5 for 11 sa 3s. Nam-bully rin si Poy Erram ng 18 points at 15 rebounds.

SM food to go Banner Ad

Dinomina ng Tropa ni coach Bong Ravena ang rebounds (61-46) at points in the paint (48-20).

Wala pa noon si Calvin Abueva sa Fuel Masters, makalipas ang pitong araw ay nakapaglaro na sa bubble ang The Beast nang i-lift ni commissioner Willie Marcial ang kanyang 16-month indefinite suspension.

Sa likod nina Abueva, Matthew Wright, Justin Chua at Jason Perkins, tinapos ng Phoenix ang elims sa No. 2.

No. 3 ang TNT sa pangunguna nina Pogoy, Ray-Ray Parks, Jayson Castro, Erram at Troy Rosario.

Muling magkukrus ang landas ng dalawa sa semis umpisa mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym.

Dalawa sa huling tatlong meetings sa elimination round ng all-Filipino ay inari ng Fuel Masters. Sa nakalipas na dalawang seasons, 5-3 overall ang Tropa. (Vladie Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.