Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, Tropa binugbog Aces

0 82

Mga laro ngayon: (DHVSU, Bacolor)
2:00pm — Rain or Shine vs NorthPort
4:35pm — Magnolia vs SMB
7:00pm — Terrafirma vs Alaska

Sigurado na sa No. 1 spot at win-once incentive sa quarterfinals, hindi pa rin naglubay ang TNT nang kubabawan ang Alaska 103-85 sa second game ng Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga nitong Sabado.

Tinapos ng Tropang Giga ang eliminations sa 10-1 sa likod ng 18 points ni RR Pogoy at 17 points, 8 rebounds, 3 assists at 3 blocks ni Poy Erram. May 12 points, 7 assists pa si Mikey Williams.

Napigil sa 3-5 ang Aces na humugot ng 12 points kay Abu Tratter. Babalik ng Don Honorio Ventura State U ngayon ang Alaska sa third game ng back-to-back-back laban sa 3-7 Terrafirma.

SM food to go Banner Ad

Sa first game, lumapit sa twice-to-beat bonus ang Meralco nang pasadsarin ang Blackwater 104-97.

Pinagdiwang ni Allein Maliksi ang 34th birthday sa tono ng team-high 21 points at 10 rebounds, dinagdagdan ni Raymond Almazan ng 15 points, 17 rebounds at 3 blocks at umangat sa 7-2 ang Bolts, kumakapit sa No. 2.

Sadsad sa PBA-record nang 19th straight loss ang Blackwater sa kabila ng 59 points sa second half – highest-scoring half ngayong season – at sa career-high 15 points ni Russell Escoto na dinuplika nina KG Canaleta at Mike Tolomia.

Tumawid mula noong nakaraang season ang straight losses ng Bossing, binura ang dating record ng Great Taste/Presto na 18 straight losses noong 1980. Blackwater ang unang team na walang ipinanalo sa isang conference pagkatapos ng 0-11 ng Kia noong 2017 Governors Cup. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.