Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, Tropa sinipa Ginebra

0 72

Quarters Game 2 ngayon (DHVSU, Bacolor)
2 pm – NorthPort vs SMB
4:35 pm – Rain or Shine vs Magnolia
(Beermen, Hotshots lead series 1-0)

Exit na ang Ginebra sa Bacolor semi-bubble matapos takbuhan ng TNT 84-71 Miyerkoles ng gabi sa Don Honorio Ventura State U gym.

Naiganti ng Tropang Giga ang Finals defeat sa Gin Kings sa PBA Philippine Cup noong December sa Clark bubble.

Hindi sinayang ng top seed TNT ang win-once advantage, biyaheng semis na at maghihintay ng katapat sa race-to-four series.

Umiskor ng 10 pataas ang apat na starters ng TNT sa pangunguna ng 16 ni RR Pogoy at 15 ni Troy Rosario.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson, binalikat ng 17 points, 19 rebounds ni Christian Standhardinger ang Gin Kings, abante pa 21-17 pagkatapos ng first quarter, pero mula roon ay hindi na nakaporma.

Sa first game, nasunod ang last play ni coach Yeng Guiao para kay rookie Calvin Oftana at tinakasan ng NLEX ang Meralco 81-80.

Binatuhan ng inbound ni Jericho Cruz ang umaatake sa basket na si Oftana para isubo ang winning layup.

Namuno ang second career-best ni Anthony Semerad na 23 points sa Road Warriors, tumapos si Oftana ng 12 points, 9 rebounds at 5 assists.

Nasagad ang twice-to-beat ng No. 2 Bolts, napuwersa ang winner-take-all sa Biyernes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.