Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy, Tropang Giga tinumba Beermen

0 55

Maagang kumayod ang TNT, naglatag ng nakakangilong depensa para takbuhan ang San Miguel Beer 115-98 sa Game 3 ng kanilang PBA Phiilippine Cup semifinals sa Don Honorio Ventura State University gym Biyernes ng gabi.

Nagkalat ng 24 turnovers ang Beermen na nai-convert sa 29 points ng Tropang Giga tungo sa 2-1 lead sa best-of-seven series.

Naglista ng conference-best 26 points si RR Pogoy, conference-highs din ni Poy Erram ang ikinalat na 21 points at 13 rebounds.

Sa unang pagkakataon sa series ay nagpakita si rookie Mikey Williams sa kinamadang 20 points para sa TNT, lumayo ng hanggang 98-73.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Humarabas ng 22 points si Terrence Romeo pero wala ang rally ng SMB tulad nang umahon mula 19 para agawin ang panalo 98-96 sa Game 2.

Sa first game, nabawian ng Meralco ang Magnolia 91-86 para idikit ang hiwalay na serye sa 2-1.

Wala si Raymond Almazan, binalikat ng 17 points ni Chris Newsome ang Bolts, sinegundahan ng 16 ni John Pinto. Solidong 10 points ang ambag ni big man Noy Baclao sa puwesto ni Almazan,

Game 3 ng parehong serye sa Linggo sa Bacolor venue rin. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.