Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pogoy uulitin ang tikas

0 128

Ayaw pumasok ang unang dalawang tira ni RR Pogoy sa opening game ng PBA Philippine Cup restart nitong Linggo, pero nang masukat niya ang basket ng AUF gym sa Angeles, Pampanga, sa-batya na.

Kahit pumutok ang kilay na tinamaan ng ulo ni Mike Digrerorio, nagsalansan ang 28-year-old, 6-foot-2 swingman ng career-high 45 points mula sa 10 for 17 overall shooting sa 3s. Previous high niya ay 38 noong June 12, 2019 sa 104-96 win kontra Ginebra sa Commissioner’s Cup.

Siya ang unang player ng TNT franchise na may 8 o higit pang 3s sa tatlong laro, panlima sa kasaysayan ng PBA pagkatapos nina Allan Caidic, Renren Ritualo, Marcio Lassiter at Terrence Romeo.

SM food to go Banner Ad

“’Nung una, nahirapan ako kasi ‘yun nga, ilang beses pa lang kami nag-five-on-five. Buti na lang,” anang sharpshooter pagkatapos ng pahirapang 100-95 win ng TNT sa Alaska.

Babalik si Pogoy ngayon para sundan ang matikas na laro kontra Terrafirma.

“’Yun ‘yung mahirap, eh, ‘yung i-sustain ‘yung ganu’ng laro,” pakli niya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.