Abante Tonite Interactive

Poker Tournament na presyong Pinoy

By
112

Habang binabasa niyo ito ay siguradong nagkakapukpukan na ang mga sumali sa P2M Gua­ranteed No Limit Hold’em Tournament sa Metro Card Club sa Ortigas.

Isa ito sa mga pinakamalalaking local poker tournament natin kaya tiyak na dudumugin ito ng mga Pinoy player.

Sobrang laki kasi ng entry fee sa mga international event kaya naman minsan ay mas marami pang foreign player na naglalaro kaysa sa mga Pinoy kahit nasa bansa natin ito ginagawa.

Abante Hiring – IT dep

May mga pagkakataon pa nga na walang Pinoy player na nakakapasok sa final table.

Kaya naman siguradong babawi ang mga Pinoy sa event na katulad nitong P2M Guaranteed ng Metro Card Club.

Apat na libong piso lang kasi ang entry fee rito, malayo sa P55,000 entry fee sa Main Event ng katatapos na APPT Series.

Bale apat na araw ang Day 1 ng torneo kaya maraming pagkakataon ang mga manlalaro natin na sumali.

Day 1A noong Miyerkoles, Day 1B noong Huwebes, Day 1C noong Biyernes at Day 1D kahapon.

Ngayong Linggo ang Day 2 at ang matitira ay babalik para sa final day bukas.

Habang isinusulat ko ito ay hindi pa ako nakakasali, pero plano kong lumaro sa Day 1D.

Babalitaan ko kayo kung ano ang mangyayari sa torneo pati na rin sa mga side event nito.

Sa Metro Card Club regular na naglalaro ang mga bigating poker player ng bansa.

Maging ang numero uno nating player na si Mike Takayama ay aminado na sa Metro Card Club siya nahasa nang husto.

Good luck na lang sa akin at pati na rin siyempre sa lahat ng mga kasali.