Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pokwang, DJ nag-ayos na

0 250

Ni: BETH GELENA

Lumalala ang sagutan sa social media nina Pokwang ,GMA Director na si Rado Peru at ang aktor na si DJ Durano.

May post si Pokwang sa kanyang Facebook na ganito.

“Sino nakakakilala sa napaka unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!! Troll kaba kaya ka triggered? Pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? Ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po diba? Pwede kita idemanda po fyi! at ikaw DJ Durano.!! Woohoo Dios mio!! Feeling sikat ako??? Nag fi feeling Ai Ai ako??? Hahahaha unang una Oo sikat ako kumpara sayo tah ka plastik ka!!! Ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto nya! Kapal ng mukha mo! Kung sino man mga friend nya dito paki paabot sa kanya ito plastik sya!!”

Heto ang unang post ni Pokwang bilang reaksyon sa tsikang pagbili ni Elon Musk sa Twitter, “katapusan nyo na mga trolls!! Next naman sana Tiktok at FB na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga trolls nayan!”

Wala nga namang tinukoy na pangalan ang komedyanang aktres, pero tumuga ang director.

Sey niya, “Boboto ung mga tinarawag nyong ‘Trolls’ sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung cno ang gusto namin…at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin…”

Tungkol naman kina DJ at Pokwang, balitang nag-usap na sila at nagkaayos. Wala na raw isyu.

Komento naman ng mga netizen.“ Si Aiai na nananahimik ay nadadamay pa.”

“Mas pipiliin ko na si Pokwang kesa kay Ai Ai.” Ang tanong naman ng isa, “Saan nanggagaling yung galit ng director e hindi naman patungkol sa election ang post ni pokwang? Yung tweet kasi ay tungkol sa pledge ni Elon Musk na i-eradicate and bots at troll account sa twitter. Mahina ata reading comprehension ni Mr. director. Kakaloka.”

“Hahahahahha! Exactly! Kakaloka. Pano naging direktor ang ganyan? Ang comprehension level, lagapak!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.