Abante Tonite Interactive

Pokwang expired na ang matris

589

Mabenta ang cute na anak ni Pokwang na si Malia sa baptismal at first birthday ng bunso nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Kai Gutierrez.

Bukod kay Bea Alonzo na tuwang-tuwa sa tisay na bagets, maging ang ka-table namin na si Mother Lily Monteverde ay aliw na aliw rin kay Malia.

Natawa si Mother nang hawakan ng bagets ang damit niya at parang gusto siyang hubaran nito.

Father’s Day nu’ng araw na ‘yon at kasama ni Po­kie ang American dyowa niya at fadir ni Malia na si Lee O’Brian.

Dapat gumawa pa sila ng isa dahil bongga ang produkto nila. Boy naman para masaya. Puwede pa ba?

“Expired na ang matris ko! Ha! Ha! Ha! Expired na,” dayalog sa amin ng 48-anyos na komed­yana.

Hindi namin sure kung dahil sa pagkatuwa ni Mother Lily kay Malia ay balak niya itong gawing future Regal baby.

1 1/2 years old na si Malia kaya kahit paano ay marunong na itong mag-enjoy sa children’s party.

Nu’ng may kumanta sa party ng “Let It Go” na theme song ng “Frozen” ay sinabayan ito ni Pokie dahil paborito raw ‘yon ni bagets.

Kuwela ang kiyemeng mali-maling ly­rics ni Pokie, in fairness.

Ang taray ni Pokwang dahil kasali ang indie film niyang “Oda sa Wala” sa competition films sa 54th Karlovy Vary International Film Festival.

Kaya lang ay hindi raw siya makakapunta sa nasabing filmfest sa Czech Republic (na gaganapin sa June 28-July 6) dahil nataon daw na may show siya sa Middle East sa panahon na ‘yon.

Ang sabi sa amin ni Pokie, magko-compete din ang “Oda sa Wala” sa isang Malaysian filmfest at doon siya makaka-attend.

Nominated daw siyang Best Actress sa Malaysia at sana raw ay manalo siya.

Sa 2018 QCinema filmfest ay si Pokwang a.k.a. Marietta Subong ang nagwaging Best Actress para sa “Oda sa Wala” na nanalo ring Best Film at Best Director ang nagdirek nito na si Dwein Baltazar.
***

Dating magkalaban sa GMA:
Dingdong, Richard magkumpare na

Kabilang si Dingdong Dantes sa 26 pairs of godparents ni Kai Gutierrez na bininyagan at nag-celebrate ng first birthday last Sunday sa Whitespace Events Place sa Makati.

Ang cute ni Dong dahil dala niya sa party ang daughter nila ni Marian Rivera na si Zia.

Nu’ng tinawag na ang mga Ninong para umakyat sa stage, humabol kay Dong si Zia at kinarga niya si bagets at sinama paakyat ng entablado.

Magpu-4 years old na si Zia sa November kaya marunong na itong mag-party, pero gusto pa rin ng bagets na laging kasama ng kanyang Daddy Dong.

Tatay na tatay si Dong nu’ng hapon na ‘yon at binati namin siya ng “Happy Father’s Day.” Hindi niya kasama ang misis niyang si Marian, na malamang nasa bahay lang kasama ang guwapito nilang bunso na si Sixto a.k.a. Ziggy.

Ka-table ni Dong ang mga co-rider nila ni Ri­chard sa kanilang riding group na panay mahihilig magmotorsiklo.

Nakakatuwa na bukod sa tropa sila sa motor ay magkumpare na rin ngayon sina Dong at Chard, na dati ay pinaglalaban at pinagtatapat nu’ng panahon nila sa GMA.

Last year ay magkasama sila sa blockbuster hit na filmfest movie ni Vice Ganda na “Fantastica.”

As usual ay ang madir ni Chard na si Tita Annabelle Rama ang aligaga sa pag-iimbita sa mga ninong at ninang sa party na ‘yon ng apo nitong si Kai.

Sa dami ng godpa­rents ay hindi nagkasya ang mga ito sa stage at hirap din ang photogs na pagkasyahin ang mga ito sa isang frame.

Bukod kina Dingdong at Bea, kasama rin sa 26 pares ng ninong at ninang sina Robin Padilla, James Yap, Albert Martinez, Phillip Salvador, Senator-elect Bong Go, Secretary Mark Villar, Dondon Monteverde, Ruffa Gutierrez, Janine Gutierrez, Mariel Padilla, Assunta de Rossi at Roselle Monteverde.