Abante Tonite Interactive

Pokwang ginawang kusinera ng pari

1,037

NI: ROMMEL PLACENTE

ISA si Pokwang sa mga artistang tumutulong sa mga frontliners. Gumagawa siya ng sandwich at nagluluto para sa mga ito. Ang magandang gawain na ito ng komedyana, ay nakarating kay Father Tito Caluag. Kinontak niya si Pokwang

“Nagulat na lang ako, nag-text sa akin si Father Tito. Sabi niya sa akin, kung pwede raw akong magluto para sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong, ganyan, sa mga frontliner”simulang kwento ni Pokwang sa guesting niya sa Magandang Buhay.

Patuloy niya,”Sabi ko, ‘Ay, yes na yes po. It’s an honor. Why not? “ Sila ang magpapadaa ng ingedients galing din sa mga kababayan natin na may malalaking puso. Ako, ang offer ko naman na tulong, ‘yung aking kitchen, ‘yung aking malalaking mga kawa. Ganu’n,”

Ang kawa raw na ginagamit ni Pokwang ay nakakaluto ng para sa 200 na tao.

Tonite – Wendys Inhouse Ad