Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pokwang ‘hiwalay’ sa asawa

0 493

Tinuldukan ni Pokwang ang diumano’y namumuong invisible war at rivalry nila ni Ai Ai delas Alas.

Sinabi ni Marietta Subong sa isang press conference , “ Lagi naman akong itinapat o dinidikit kay Ai Ai noon pa man at walang katotohanan ang chika na hindi kami magkasundo. Okay kami. Cordial kami sa isa’t-isa. Twice na kaming nagkita sa All Out Sunday at walang tension, walang isnaban, walang irapan. Ako nga, gustong-gusto ko na magkasama kami sa isang proyekto lalo na nga’t pareho na kaming Kapuso.”

Sa walang tigil ang pang-iintriga sa kanya: “Tanggap ko na iyan. Hindi magiging makulay at exciting ang showbiz kung walang intriga. Pero siyempre tao naman ako, minsan may sumpong, may moods. May araw na deadma lang. May araw na di maganda ang pakiramdam mo, maliit na bagay lang malaki agad ang reaksyon mo. May mga time na wala kang pakialam sa bashers. May time naman na patol ako talaga lalo na nga’t paboritong-paborito akong i-bash, lalo na nga’t lantad kung sino ang presidential bet ko,”sambit niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ano ba ang pangarap niya para sa bunsong si Malia? “Naku, gusto ko siya ay maging the next Catriona Gray. Hahaha. Sa totoo lang, nagpapakapagod talaga ako sa work kasi nga ang gusto ko para sa mga anak ko, mabigyan sila ng magandang edukasyon. Iyon kasi talaga ang pinakamagandang pamana ko para sa kanila.”

Kamakailan, may bumulong sa diva that you love na hiwalay na sina Pokwang at Lee O’ Brian. Mula sa aking impeachable source, hindi na daw nakapisan si Lee sa bahay ni Pokwang.

True nga kaya ang chikang ito mula sa aking impeachable source? May tandang pandamdam na nga ba ang relasyong Pokwang at Lee ‘O Brian?

Leave A Reply

Your email address will not be published.