Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pokwang milagro na ligtas sa aksidente

0 61

Ni: Vina Vivar

Itinuturing ni Pokwang na isang milagro ang pagkakaligtas nila K Brosas sa car accident na kinasangkutan sa Dallas, Texas kamakailan. Nagtungo ng Amerika ang dalawang komedyana para sa series of shows.

Kuwento ni Pokwang, malakas ang impact ng bangga at mabuti na lang daw na hindi sila tumilapon.

“Mas naramdaman ni K Brosas ‘yung impact. Nagkukuwentuhan kaming ganyan, eh. Basta nakita ko na lang. . .’ay tatama!’ Alam mo, hinintay ko na lang.

“Pero laking pasasalamat na hindi kami tumilapon, hindi kami gumulong-gulong. Buti na lang,” sabi Pokwang sa panayam sa 24 Oras.

wento pa ng komedyana, sakay sila ng SUV at manananghalian daw sana sila ni K nang oras na ‘yun nang mabangga sila ng isa pang SUV sa isang intersection.

Dahil nakita nga niyang sa side ni K tatama ang SUV, nagawa pa niyang protektahan ang kaibigan, niyakap niya ito at isinalag ang kamay sa upuan para hindi ito mauntog.

Thankfully, nagkaroon lang ng minor bruises si K habang si Pokwang ay hindi naman gaanong nasaktan. Humanga ang dalawa sa mabilis na emergency response sa kanila after the accident.

“Parang buong sangay ng gobyerno, dumating,” sey ni Pokwang.

Sa ngayon ay okay na sila pareho at si K nga ay nakauwi na sa Pilipinas habang si Pokie ay nasa New York pa base sa kani-kanilang IG post.

Leave A Reply

Your email address will not be published.