Abante Tonite Interactive

Pokwang minura ni Chokoleit

By
7,344

Walang patumanggang pinagmumura ni Chokoleit si Pokwang sa social media nang ikumpara ito sa durian.

Nag-post si Pokwang sa kanyang Instagram wall ng throwback baby photos ng mga artista at itinabi ito sa current photos nila.

Ang mga nasabing photo ay kina Enrique Gil, James Reid, Daniel Padilla, Alden Richards. Pagdating kay Chokoleit isang durian photo ang pinost na katabi.

Ikinatuwa ni Pokwang ang pagkaka-post niya ng photo ni Chokoleit at sinabing proud siya sa kaibigan.

Related Posts

@itspokwang27, “Yung pang-lima!!!! Hahahahaha Bff ko yan nakaka proud!!! I love you bff @hot_chokoleit!”
Nang masilip ang posting agad na nag-comment si Chokoleit sa IG account ni Pokwang at pinagmumura ito nang todo.
@hot_chokoleit, “Enamoko bagot ka naman pukesa ka! Humanda ka saken matapos lang ako dto sa shooting! Ohab kag talib (baho kang bilat)!!! Kiki mo suhe! Tinggil mo kirat!” at saka naglagay ng galit na galit na emoticon.
Sumagot lang si Pokwang ng malakas na tawa.

@itspokwang27, “@hot_chokoleit bwahahahaha!”
Kung sa ibang makakabasa, very offensive ang naging reaksyon ni Chokoleit kay Pokwang, pero para sa kanilang dalawang magkaibigan, balewala ang ganitong banatan nila sa social media.

Meaning, hindi seryoso ang pagmumura ni Chokoleit kay Pokwang at hindi naman ito offensive sa huli. Maraming beses na nitong pinaglaruan ang itsura ng komedyante.

Si Chokoleit ay isa sa mga magnininong sa anak ni Pokwang kay Lee O’brian sa binyag nito.