Abante Tonite Interactive

Pokwang pinalabas na bobo

By
4,231

HINDI pinaglagpas ni Pokwang at nanggalaiti sa puna ng isang netizen na malapit nang mahulog sa sofa ang baby niyang si Malia.

Hindi napigil ni Pokie ang sarili na magtaray dahil inaakalang nasa hindi magandang sitwasyon ang sanggol niyang si Malia habang binabantayan ng anak niyang si Mae.

@itspokwang27, “Ok nakakairita ha…. daming epal kasi e… salamat kung totoong concern kayo! Pero hindi naman ako BOBO para pabayaang mahulog ang anak ko sa sofa! Eksaherada ang ilang nag post ng video ko sa social media nila ng wala na nga pahintulot sarap ipatumba! Tapos palalabasin pa na BOBO kang ina at walang kwentang kapatid si Mae? Pabaya ganon? Tigilan na ang pandarambong sa youtube or kung saan man social media n’yo! Makarami lang kayo ng viewers kung ano anong pang CLICKBAIT ang ginagamit nyo tah kayo! Ayan paki-swipe n’yo pag-aralan ano nga ba ang clickbait!!! Wag ang mga anak ko baka makapatay ako dai!”

Hindi kataka-takang maghurumentado si Pokwang sa kanyang post dahil pagdating sa kanyang mga anak sensitive talaga ito.

Pero isang follower ni Pokwang ang pumuna sa paggamit niya ng mga salitang “baka makapatay ako..”

@sfgiantsgrl25, “I know she’s upset pero patayan talaga? Kala ko religious siya?”

Dinepensahan naman ni Pokie ang sarili.

@itspokwang27, “@sfgiantsgrl25 nanay ako at kahit sinong nanay kahit santo kapag anak na ang pinag-uusapan walang relihiyon ganon ako katotoo magalit ewan ko ikaw pano ka? Ayo­ko ng nagmamalinis period!!! Tao ako hindi ako santo gets?”

Wetpaks ni Solenn, parang monay na sarap kagat-kagatin

NAGPAINIT na naman ng dugo sa social media si Solenn Heussaff. Nag-post siya ng bago na makakapagpaunat ng patola ng sinumang barakong makakakita.

Sa video sa kanyang IG story makikita si Solenn na tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin habang suot ang isang super-daring na one piece black swimsuit.

Mas mapangahas ngayon dahil lantad ang matambok niyang puwet.

At makikita naman sa reflection ng salamin ang halos hiwa na lang ng actress-painter ang natatakpan.

Sa paningin ng mga kalalakihan, parang isang masarap na unan na puwedeng higaan ng mukha ang puwet ni Solenn. Mukha rin itong mainit-init na giant monay na sarap kagat-kagatin. At isang malambot na pisngi ng bata na masarap pisil-pisilin.

Sa laki ng wetpaks ni Solenn sarap lang panggigilan.