Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pokwang pumiyok sa walang utang na loob isyu

0 195

NI: VINIA VIVAR

Opisyal na ngang Kapuso si Pokwang at humarap na siya sa isang virtual presscon kahapon para pormal na siyang i-welcome sa harap ng entertainment press.

Masayang-masaya si Pokie sa kanyang paglipat at kwento nga niya, taong 2019 pa niya ito binabalak. Aminado siyang siya ang lumapit sa GMA sa tulong ng isa niyang kaibigan.

When asked kung bakit matagal na niyang gustong lumipat, aniya ay marami pa raw kasi siyang gustong gawin at hindi naman daw niya masisi ang dati niyang network kung hindi ito maibigay sa kanya.

“Hindi mo rin naman masisisi sa dami rin talaga ng artista sa ABS-CBN, although meron din naman silang magagandang plano sa akin. Kaya lang, alam mo ‘yun, hindi na ako bumabata, teh. Kailangan ko na rin talagang as in gawin ‘yung gusto ko hangga’t kaya ko pa, hangga’t malakas pa ‘yung katawan ko.

“In all fairness naman po kung saan ako nanggaling, mayroon naman po talaga silang inilatag sa akin, kaya lang hindi po nila agad maibibigay kasi ang dami kasi, eh, sa dami eh (ng artista), alam n’yo naman ‘yan,” pahayag ni Pokwang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero hindi pa rin maiwasan na may nangba-bash pa rin sa kanya at sinasabi ngang wala siyang utang na loob. Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi naman talaga maiiwasan ‘yan, so quiet ka na lang, di ba? Alam ko naman sa sarili ko kung gaano kalaki ‘yung pagtanaw ko ng utang na loob siyempre kung saan ako nanggaling na network, sa ABS-CBN, sa Star Cinema. Hindi po mawawala ‘yun. Habang-buhay ko pong dala-dala ‘yun.

“And in fact, nagpaalam po ako nang maayos sa mga boss, tinext ko sila nang personal and naramdaman ko naman din po talaga ‘yung suporta nila sa akin,” she said.

“Kung gaano po ako ka-grateful sa pasasalamat talaga, hindi po mawawala ‘yan. Habang buhay ko pong dala ‘yan, ‘yang pasasalamat sa kanila,” sey ng komedyana.

Samantala, excited na si Pokwang sa mga upcoming projects niya sa GMA-7 at isa na nga rito ay isang show with Michael V na unang kwento ng Pepito Manaloto.

“Kami po ‘yung rewind, paano nagsimula ‘yung ganito, ‘yung karakter ni ganyan, nakakatuwa lang, rewind kami,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.