Abante Tonite Interactive

Pokwang tinangging ‘papatayin’

574

Archie Liao

Aminado si Pokwang na suwerte sa kanya ang screen name na Marietta Subong na tunay niyang pangalan dahil nanalo siya ng kanyang first best actress award in a motion picture nang gamitin niya ito.

Tinanghal siyang best actress sa ‘Oda sa Wala’ sa QCinema filmfest noong nakaraang taon using her real name.

Dahil sa dalang suwerte nito, napabalitang matagal na niyang pinag-iisipan na patayin na ang screen name na ‘Pokwang’.

Gayunpaman, itinanggi ito ng komedyana na kilala na rin bilang isang magaling na dramatic actress.

“Iyung paggamit ko ng Marietta, napagkasunduan lang namin iyon ng director ko, kasi seryoso nga naman iyong role ko, kaya gusto niya seryoso rin ang screen name ko, pero hindi. Hindi ako magpapalit ng pangalan,” paglilinaw niya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad